This site uses cookies to give you the best experience.

Ilulunsad ng HPI ang mini 4-stroke engine (M4) : ang pinaka-unang 360-degree inclinable 4-stroke engine sa line-up ng Honda

Ngayong Nobyembre 2021 ang Honda Philippines, Inc. (HPI) ay maglalabas ng bagong  makina karagdagan sa kasalukuyang line-up nito, ang mini 4-stroke engine (M4). Ito ay may layuning tugunan ang pangangailangan ng mercado para sa mga maliliit na makina.

Sa ngayon, dumarami na ang mga Pilipinong gumagamit ng makinang  katulad nito na karaniwang makikita sa mga brush cutters, trimmers, scooters, small agriculture machines at light construction equipment. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga local na Original Equipment Manufacturers (OEM) na punuan ang pangangailangan ng mga mamimiling Pilipino.

Patuloy ang pagtaas ng demand sa makinang 4-stroke kagaya ng Honda M4 engines dahil sa tumataas na presyo ng gasolina at mga alalahanin sa kalusugan at kapaligiran na dulot ng paggamit ng 2-stroke engines.

Tinitiyak ng HPI na mapupunuan nito ang mga pangangailangan ng merkado at malayang makakapamili ang bawat Pilipino sa ilalabas nitong tatlong (3) variants:

GX25 (1.0hp, net power); GX35 (1.3hp, net power); at GX50 (2.0hp, net power).

 

Ang Honda M4 engines: GX25 (Kaliwa), GX35 (Gitna), GX50 (Kanan)

 

Ang mga Honda M4 engines ay hindi lamang matipid sa gasolina at sa maintenance. Ito ay nagtataglay din ng mga sumusunod:

  • 4-stroke technology – mas matipid sa konsumo ng gasoline at hindi na kailangang haluan ng 2T oil. Walang masamang amoy ang usok at mas nakakabuti pa sa kapaligiran.
  •  
  • 360-degree operation – ito ang espesyal na katangian na mayroon ang makinang ito. Nagagawa nitong umandar o gumana sa kahit anong anggulo ng hindi namamatay (pataas, pababa, pabaliktad).

  • Madaling paandarin – mayroon itong decompression mechanism kaya magaang hatakin ang recoil rope at madaling paandarin.
  • Ligtas at madaling gamitin – may sapat na proteksyon ang gagamit nito; hindi kaingayan ang tunog ng makina, hindi mausok at hindi amoy langis.

Mga aplikasyon ng brush cutters na may Honda M4 engines: Roadside maintenance, Palay harvesting, paglilinis ng bakuran o landscaping

 

  • Mas pinagandang brand appeal – naka embossed na ang Honda logo sa makina

 

 

Bridge Guard Design (GX50) - Scratch resistant na lumilikha ng pakiramdam ng maayos na pagpapatakbo.

 

Lumilikha ng malawak na lugar na nagpapalabas ng mahusay na katatagan at kakayahang magamit. Nakausli ang mga gilid na nagpapababa sa posibilidad ng pagkagasgas sa takip.

 

Trustgram – Patunay na ito ay Honda genuine engine.

Trustgram sticker nakalay sa recoil cover ng makina nagpapatunay na ito ay “GENUINE” Honda Engine

 

Katulad ng ibang mga Honda Power Products ang Honda M4 engines ay sakop din ng (2) year warranty.

 

Para sa karadagang impormasyon tulad ng mga specifations at demo requests, bisitahin ang website na www.hondapowerproducts.ph at official Facebook page na Honda Power Products Philippines (@hondapowerproductsph).

 

OTHER Corporate NEWS

Corporate
HONDA❤ YOU:  “Project Angel Tree” Sponsorship for the Parañaque Community
Nov 20, 2024

Parañaque City Social Hall & Sport Complex, 15th of November 2024 – In celebration of Children’s Month, Honda Philippines, Inc. (HPI) joined the “Project Angel Tree” program, spearheaded by...

READ MORE
Corporate
Honda Pilipinas Dream Cup (HPDC) Round 6 inspires young riders to race and achieve their goal to succeed.
Nov 19, 2024

November 9 - 10, 2024, Tarlac Circuit Hill – The Honda Pilipinas Dream Cup (HPDC) wrapped up an exhilarating Round 6 at the Tarlac Circuit Hill, bringing young Filipino riders closer to their dreams...

READ MORE
Corporate
Honda Riders Convention 2024 in Luzon – a testament of Unity and Fun. One Ride. One Passion. One Honda
Nov 11, 2024

Tagaytay, November 9, 2024 – – Honda Philippines, Inc. (Honda) held the 4th Leg of the Honda Riders' Convention after the pandemic.  This is one of the most exciting events to date, thanks...

READ MORE